PH, nakapagturok na ng 8M COVID vaccine doses

Pumapalo na sa mahigit 8 million coronavirus shots ang naibibigay ng Pilipinas.

Batay sa datos mula sa National Vaccination Operations Center, sinabi ni vaccine czar Carlito G. Galvez, Jr. na 5.95 million ang nabigyan na ng first dose, habang 2.09 million naman ang naturukan na para sa second dose.

Ayon kay Galvez, nakikita na nila ang upward trajectory sa pagbabakuna sa lahat ng priority groups, na isang magandang indikasyon umano na natutugunan na ang vaccine hesitancy, at marami na ang gustong magpabakuna, lalo na ang mga senior citizens.

Pagbabahagi ng vaccine czar, nagtala ang gobyerno ng mahigit isang milyong shots sa nakalipas na dalawang linggo, dahilan para masabing tumataas ang tiwala ng mga Pilipino sa COVID-19 vaccines, lalo na sa China’s Sinovac.

Noong June 15, nang maitala ng pamahalaan ang pinakamataas na daily vaccination rate na 322,929 shots. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *