PH nangako ng PHP5.4 million na tulong para suportahan ang humanitarian aid operations sa Yemen

Nangako ang bansa ng PHP5.4 million na tulong para suportahan ang  humanitarian aid operations sa Yemen.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo , ang commitment ng bansa ay ginawa sa High-level Pledging Event for the Humanitarian Crisis for Yemen na ginanap sa Palais des Nations sa Geneva, Switzerland.

Aniya, ang boluntaryong kontribusyon ng Maynila ay nagpapakita ng country’s advocacy para sa people-centered intervention sa panahon ng krisis.

Ikinalungkot din ni Manalo na may mga sibiliyang nasawi at nagkaroon ng displacement dulot ng matagal na labanan sa bansa.

Ang Pilipinas ay consistent donor sa Yemen Humanitarian Fund, isang country-based pooled fund na pinamamahalaan ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *