PH, nangunguna pa rin sa child sexual exploitation

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa child sexual exploitation, ito ang sinabi ni Justic Secretary Crispin Remulla matapos ang isinagawang courtesy call kahapon ni Mama Fatima Singhateh, ang United Nations Special Rapporteur on the Sale and Sexual Exploitation of Children

READ MORE:

Nang tanungin tungkol sa status ng online sexual exploitation sa bansa, sinabi ni Remulla, na ang Pilipinas ang nangunguna sa mga bansa sa buong mundo.

Inihayag rin ng UN Special Rapporteur na ang bansa ay nananatiling pinagmumulan at lugar para sa child trafficking, sale, sexual abuse, at forced marriage and labor.

Dahil rito, sinabi ni Remulla na mas mahigpit na ipinapatupad ng gobyerno ang mga kampanya nito katuwang ang iba’t ibang ahensiya para malabanan ang pang-aabuso lalo na sa mga bata.

Sa isang pulong balitaan, iniharap ni Singhateh ang mga paunang natuklasan ng kanyang 11 araw na pagbisita sa Pilipinas.

Sinabi niya na may kakulangan ng legal provisions sa konstitusyon upang parusahan ang mga nagsasamantala sa mga bata. Ang tinutukoy niya ay ang Republic Act 11596 o An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *