PH, nasa low risk na sa COVID-19-DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na low-risk area na para sa COVID-19 ang Pilipinas matapos bumaba ang national case growth rate at average daily attack rate (ADAR).

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman, negative na ang ating two-week growth rate at ang ADAR ay naka-moderate risk na sa 5.2.

Batay sa datos, bumaba sa -9 percent ang case growth rate ng Pilipinas mula June 13 hanggang 26 mula 15 percent noong May 30 hanggang June 12.

Nasa safe zone na rin ang national utilization rates ng ospital at intensive care unit beds sa 46.51 percent at 55.24 percent.

Nagka average 5,772 baong kaso ang bansa kada araw mula June 24 hanggang 30, bahagyang mas mataas kaysa sa average 5,638 daily new infections mula June 17 hanggang 23.

Bukod dito, sinabi rin ni De Guzman na nagpa-plateau na ang COVID-19 cases sa NCR Plus, unti-unting bumabababa sa Mindanao, at bahagyang tumataas sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Hinimok ng opisyal ang mga lokal na pamahalaan na samantalahin ang pagkakataon para tiyaking nakalatag na ang mga istratehiya para maiwasang magkaroon ng surge ng cases na posibleng idulot ng DElta variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *