PH, patuloy na hihiling ng pardon para sa Filipino overseas worker na si Mary Jane Veloso

Patuloy ang paghiling ng Pilipinas ng commutation, pardon, o extradition sa convicted drug mule na si Mary Jane Veloso na nananatiling nakakulong sa Indonesia.

Tugon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng makapanayam ng mga mamamahayag sa Indonesia matapos dumating sa bansa para sa 42nd ASEAN Summit.

Matatandaang humiling ang Department of Foreign Affairs sa Indonesia na bigyan ng executive clemency si Veloso noong 2022.

Si Veloso ay nahatulan ng drug trafficking matapos siyang mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa Yogyakarta noong 2010.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *