Nasungkit ng Team Philippines ang dalawang gintong medalya sa Sarawak Premier International Silat Championships sa Sarawak, Malaysia.

Nanguna sina Jessa Dela Cruz, Shara Julia Jizmundo at Franchette Anne Elman sa seni artistic regu female event habang si Mary Justine Acat ang nanguna sa kanyang mga karibal sa womenβs open weight 2 sa tanding/combat event.
Nagbulsa rin ang national pencak silat squad ng dalawang silvers at anim na bronzes medal.
Inaasahang lalahok din ang mga ito sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia sa May 5-17.//CA