PH, senelyuhan na procurement deal re: 40-m doses ng Pfizer COVID-19 vax

Senelyuhan na ng Pilipinas ang term sheet para sa pagbili ng 40 million doses ng COVID-19 vaccines na binuo ng American drugmaker Pfizer-BioNTech.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., naaprubahan na ng naturang kompaniya ang tinatawag na head of terms at nakapagpirma narin ang global representative ng firm.

Mababatid na nakatanggap na ang Pilipinas ng 193,050 doses ng Pfizer’s COVID-19 jabs, pero ito ay donasyon ng global vaccine sharing pool COVAX facility, na pinamumunuan ng World Health Organization (WHO).

Dagdag ni Galvez, ang 2.2 million pang doses ng Pfizer’s vaccine, ay nasa COVAX facility pa at inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *