PH trade deficit, lalo pang lumawak sa mahigit 14 times noong Abril —PSA

Lalo pang lumawak ang trade deficit ng Pilipinas sa mahigit 14 times year-on-year noong Abril, matapos na maitala ang imports na halos doble sa growth ng exports.

Sa inisyal na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang balance sa trade ng goods ay nag-expand ng 1361.5% sa $2.734.32-billion deficit noong Abril.

Ito ay kung ikukumpara sa $187.10-million deficit noong April 2020 at $2.751-billion deficit noong Marso.

Ang deficit ay nagsasaad na ang value ng imports ng bansa ay lumampas sa export receipts, habang ang surplus ay nagsasaad ng mas maraming export shipments kumpara sa imports.

Ayon sa PSA, ang kabuoang external trade para sa naturang buwan ay tumaas ng 107.5% sa $14.16 billion kung saan ang imports ay binubuo ng 59.7%.

Kabilang sa mga nangungunang growth drivers ay kinabibilangan ng transport equipment na tumaas sa 547.4%; mineral fuels, lubricants, at related materials na tumaas ng 387.9%, at iba pang food at live animals sa 283.1%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *