PH Unemployment rate, napanatili sa 6.4%

Nadagdagan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Pebrero mula Enero ngayong taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, naitala ang 3.13 million jobless Filipinos nitong Pebrero – mula sa 2.93 million noong Enero habang 63.8% ang labor force participation.

Samantala, nanatili naman sa 6.4% ang unemployment rate nitong Pebrero – kaparehong datos ng Enero ; ngunit mas mababa naman sa 8.8% unemployment rate noong Pebrero noong nakaraang taon.

Ayon kay PSA chief Dennis Mapa, tumaas ang labor force participation rate ngunit hindi raw lahat ay nakakahanap ng trabaho.

Naitala naman sa 45.48 million ang bilang ng mga employed o may mga negosyo – katumbas ito ng 93.6%.

Ang pagtaas sa bilang ng mga may trabaho ay kasabay na rin umano ng pagbubukas ng ekonomiya.#//LGD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *