PH, walang team na ipadadala sa Syria ngunit naghahanda ng mga donasyong ipadadala sa bansa

Naghanda ang gobyerno ng Pilipinas ng mga donasyong ipapadala sa Syria.

Ayon kay OCD spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV , bagamat walang team na ipapadala sa Syria, mayroon naman inihanda ang bansa na mga donasyong ipadadala doon.

Nauna nang umapela ng tulong ang Syrian government sa Pilipinas kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa bansa at Turkey.

Ayon kay Alejandro, hinihintay pa nila ang opisyal na anunsyo mula sa Palasyo at Department of Foreign Affairs tungkol sa usapin.

Una nang nagpadala ang Pilipinas ng 82-man team para tumulong sa rescue operations sa Turkey.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *