PHAPI: Private hospitals, 85% full na

Ibinahagi ng Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) na nasa critical level na ang utilization rate sa 20 private hospitals, sa harap ng patuloy na record high ng COVID-19 daily infections.

Ayon kay PHAPI President Jose de Grano, ang naturang mga private hospitals ay nagtala ng 85% occupancy rate.

Nabatid na tumaas narin ang occupancy rates ng intensive care unit beds sa Metro Manila mula 25% sa 54% na naitala noong January 11, 2022.

Una nang sinabi ng MalacaƱang na handa sila na itaas ang Alert Level 4 sa Metro Manila, kung patuloy pa ang pagtaas ng infections.

Para kay De Grano, ang pagtaas ng alert level sa 4 ay magiging paborable para sa mga ospital, dahil lalo itong magre-restrict sa galaw ng mga tao. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.