Philconsa, hiniling sa mga Pilipino na tingnan nang may magandang intensyon ang pag amyenda sa 1987 Constitution

Hiniling ng isang opisyal ng Philippine Constitution Association sa mga Pilipino na tingnan nang may magandang intensyon ang panukalang pag amyenda sa 1987 constitutions.

Ayon kay Philconsa Vice President for Luzon Atty. Dionisio Donato Garciano, dapat bigyan ng benefit of the doubt ang mungkahing ammendment dahil ang inisyatiba ay ginawa na may mabuting hangarin.

Si Garciano ay kabilang sa mga legal luminaries at resource persons na nakibahagi kahapon sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments sa mga panukalang batas na naglalayong amyendahan ang umiiral na Konstitusyon sa kasalukuyang 19th Congress.

Ang Charter Change o Cha-cha ay isang paulit-ulit nang pinag-uusapan sa Kamara nsa loob ng maraming taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *