Philhealth 12 nakapagbayad na ng P 15.7 million na COVID 19 claims

KORONADAL CITY- PINABULAANAN ni Dr. Hector Zenon Leonardo Malate, acting regional vice president ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth 12 ang mga alegasyon na hindi pa sila nakakapagbayad ng mga COVID 19 claims ng mga ospital na tumatanggap ng mga pasyenteng positibo sa COVID 19.

Sa katunayan ayon kay Malate, nakapagrelease na ang kanilang tanggapan ng P 15.7 million para sa mga COVID 19 claims na kinabibilangan ng COVID testing, isolation at in-patient package.

Sa datos noong June 3, nakatanggap ang Philhealth 12 ng 21, 513 claims kung saan karamihan sa mga ito ay sa COVID testing at mahigit 700 lamang ang in-patient.

Sa nasabing mga claims, 33% na aniya o mahigit sa 7,000 ang napoproseso at 3,356 dito ang nabayaran na.Samantala, sa mga naisumiteng claims, 3,344 ang ibinalik sa ospital dahil sa kulang na mga dokumento at 460 naman na-deny.

Ayon kay Malate na iniutos na nito ang pagfast-track sa pagproseso at pag-reimburse sa mga COVID 19 claims.

Kung maaalala, inihayag ng South Cotabato Medical Society at ni Dr. Conrado Brana, chief ng South Cotabato Provincial Hospital na may mga private hospitals na hindi tumatanggap ng COVID cases dahil hanggang ngayon ay hindi pa sila nababayaran ng Philhealth para sa kanilang mga nagastos sa mga COVID patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *