Philhealth 12 nakapagbayad na ng P 47.4 million na COVID 19 claims

KORONADAL CITY- UMABOT na sa P 47,464,679 ang nabayarang COVID 19 claims ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth Region 12 batay sa datos noong August 31,2021.

Inihayag ni Philhealth 12 Information Officer Hannah Naanep na ito ay mula sa 8,908 na mga claims na kanilang natanggap sa mga health facilities, COVID testing laboratories at mga isolation centers.

Pinakamarami sa mga natanggap na claims ng Philhealth 12 ay para sa 8,688 COVID 19 laboratory test na nagkakahalaga ng P 29.6 million.

Umabot naman sa P 7.07 ang nabayaran ng Philhealth sa 21 mga claims para sa severe pneumonia; P 5.03 sa moderate pneumonia; P 1.5 million sa criticial pneumonia; at P 367,576 sa mild pneumonia.

Samantala, P 3.1 million naman ang nabayaran nito sa 142 na mga isolation facilities para sa community isolation package.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang processing at masusing validation at evaluation ng Philhealth 12 sa iba pang mga claims.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *