NAGA CITY – Mayroon nang 28 Accredited Facilities ngayong taon para sa PhilHealth Konsulta Package Program na inilunsad taong 2021.
Ang nasabing programa ng PhilHealth, ay isang Preventive Health Services na maaari nang maka-avail ang mga miyembro ng consultation, laboratories, at medicines na validated ng isang taon sa itinalagang facility.
Ito ang napag-alaman kay Al Enrique Delos Santos, PhilHealth Camarines Sur KP Point Person, sa ginawang Media Conference.
Sa napiling Primary Health Provider ng isang miyembro , bago ma-avail ang ibang serbisyo lalo na sa mga laboratories, may inisyal contact na sa miyembro at nakita na rin ang health profile , kung sakali mang magkasakit alam na at tukoy na ng isang health provider.
Kaya naman hinihikayat nito ang mga miyembro na mag-avail ng PhilHealth Konsulta Package, para sa health status.