Muling nilinaw ng PhilHealth na tanging mga impormasyon lang ng kanilang empleyado ang na-kompromiso matapos ang Medusa ransomware attack sa kanilang sistema.

Sa kabila nito, sinabi ng state insurer na hindi pa rin nila babalewalain ang naturang cyberattack dahil maaari pa rin daw gamitin sa krimen ang personal data ng kanilang mga personnel.
Samantala, iniimbestigahan na rin ng National Privacy Commission kung mayroon bang pagkukulang sa mga tauhan ng PhilHealth.
Anila – sakali mang mapatunayang mayroong ‘negligence’ ay posibleng maharap ang mga ito sa mga reklamong administratibo, o administrative fines na aabot ng P5Million.
Bago ito, una nang iniulat ng DICT na nag-umpisa na raw ang pagle-leak ng mga hackers employee data sa dark web.
READ MORE:
PhilHealth hackers, nag-leak na ng data
Medusa Ransomware attack sa PhilHealth, pinaiimbestigahan sa Kamara