Nanindigan ang Philippine National Police na makukulong ng 20 taon ang mga nasa likod ng pag-atake sa Philippine Health Insurance Corporation.

Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, kakaharapin ng mga hacker ang kasong Rep. Act. No. 10175 o ang Cyber Prevention Act of 2012.
Kamailan lang inilabas ng Medusa ransomware ang mga data at files ng PhilHealth sa isang online application matapos ang dalawang araw na palugit ng hackers sa ahensya.
Kabilang sa mga nailabas ng hacker ay ang ID, pictures, ID bank card, memo, at kontrata.