Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na inilantad na ng mga hackers sa dark web ang ilang data ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos mabigong makalikom ng ransom money mula sa gobyerno.

Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Dy, kabilang rito ang mga identification card ng mga empleyado ng PhilHealth, kabilang rin ang Government Service Insurance System (GSIS) IDs.
Sinabi rin ni Dy na nakakita sila sa dark web ng mga kopya ng payroll ng mga empleyado at iba pang mga detalye tulad ng regional offices, mga memo, direktiba, mga papeles, at hospital bills.
Aniya, nagsisilbi raw itong mga “teaser” mula sa mga hacker, na maaaring naghihintay pa rin para sa gobyerno na sumang-ayon sa kanilang kahilingan na ransom money.