Hinimok ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko maging mapagbantay laban sa panloloko kasunod ng insidente ng hacking.

Kabilang sa mga preventive measures na inirerekomenda ay ang baguhin ang password ng mga online account, a allow ang multi-factor authentication, at pagsubaybay sa mga kahina-hinalang aktibidad online.
Samantala, nagbabala rin ang Philhealth laban sa patuloy na nagpapakalat na mga leaked data dahil ito ay may kahihinatnan sa ilalim ng batas.
Lubos namang makikipagtulungan ang ahensya sa National Privacy Commission, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police.