PhilHealth Number kabilang sa mga requirements para makakuha ng Health Emergency allowance ang mga naging COVID-19 responders ng Naga City

NAGA CITY –Makukuha ng mga naging COVID-19 responders ang kanilang hinihintay at inaasam na  Health Emergency Allowance, kumpletuhin lamang ang mga hinihinging requirements.

Ito ang muling pagtiyak ni City Administrator Elmer Baldemoro bilang kasagutan sa mga nagtatanong sa kanya, mula sa mga barangay opisyal at mga healthcare workers ng lungsod.

Ayon sa opisyal, huwag mag-alala ang mga ito dahil sa matatanggap nila ang hinihintay nilang HEA.

Kaugnay nito, ang konseho ng Concepcion Grande ang isa sa abala na sa pagkokompleto ng mga requirements dahil sa mahigit 30 sila, mula sa punong barangay, ilang mga barangay kagawad, barangay health workers at mga tanod.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Punong Barangay Michael Oliva, sinabi niyang isa sa hinihinging requirements sa kanila ay ang PhilHealth number.

Marami sa kanyang mga kasamahan ang wala pa nito, kaya kailangan na magkaroon sila para mapasama sa mga makakakuha ng HEA.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *