Philippine Air Force, iimbestigahan na ang pagbagsak ng Hermes 900 drone sa Cagayan de Oro

Ini-imbestigahan na ng Philippine Air Force ang nangyaring pagbagsak ng Hermes 900 Drone malapit sa Lumbia Airport dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Sa panayam kay PAF Spokesperson Colonel Menard Mariano, sinabi nito na nasa site na ngayon ang kanilang investigation team.

Una nang inihayag ng airforce na walang naiulat na kaswalidad o danyos sa propedad matapos bumagsak sa masukal na lugar ang isa sa kanilang UAV.

Pabalik na anya ito sa station, nang bigla na lamang naka-encounter ng problema matapos nawala ang koneksyon nito sa ground station.

Hindi naman totally wreck ang drone, at maari pang maayos.

Napag-alaman na ginagamit ang nasabing UAV para sa surveillance o tactical operations, at dumating ito sa Pilipinas noong taong 2020 mula sa Israel.

Pinawi naman ng Philippine Air Force ang pagkabahala ng publiko sa kanilang mga ginagamit na ekipo dahil lahat ng ito ay nakasunod sa protocol.(BNFM CDeO)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.