Philippine contingent, nagdomina sa pagsisimula ng US Open

Pinangunahan ni Dennis Orcollo ang mga Filipino bets na nagparamdam ng kanilang presensya sa umpisa pa lang ng US Open Pool Championships noong Lunes sa Hannah’s Resort sa Atlantic City.

Nagwagi si Orcollo laban kay Miguel Angel Giron Medieta ng Honduras, sa score na 9-0, sa opening round ng prestihiyosong meet, kung saan ay nagtala ang Philippine Contingent ng sampung panalo at isang talo.

Sa laban naman ni Johann Chua, na kagagaling lamang mula sa kaniyang third-place finish sa Predator World 10-ball Championship, ay makikita ang maayos nitong form sa kaniyang pagdomina sa laro nila ng Amerikano na si Steven Way, na nagtapos sa 9-1.

Dinispatsa rin nina Carlo Biado, Roberto Gomez, Warren Kiamco, at 3 iba pa ang mga Amerikano nilang mga katunggali habang nagwagi rin sina James Aranas, at Daniel Dagotgot laban  sa mga karibal nila mula sa Japan at India.

Samantala, tanggal na mula sa double-elimination format tournament ang Pinoy na si Dan Segui matapos nitong matalo sa home-bet na si Donnie Mills at kay Kang Lee sa losers’ bracket.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *