Philippine Development Plan 2023-2028, nakatakda nang isumite ng NEDA sa Pangulo

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority o NEDA na mabilis na maaaprubahan ang Philippine Development Plan 2023-2028.

Ayon kay NEDA socioeconomic planning secretary Arsenio Balisacan, sa ikatlong linggo ng Disyembre ay isusumite na nila kay Pangulong Bongbong Marcos ang naturang economic strategy plan.

Sa ilalim ng PDP, nakalatag ang mga hakbang para sa economic transformation at pagpapalago sa kabuaong ekonomiya ng bansa.

Kabilang din dito ang mga pamamaraan para ma-address ang patuloy na pagsirit ng ingflation, paglikha ng mas maraming mga trabaho, pati na rin ang planong pagpapababa sa bilang ng mga mahihirap na Pilipino.

Pangunahing layunin ng PDP na matugunan ang mga economic domestic and external risks kagaya na ang mga salik na nakaaapekto sa food supply, mga isyu sa global value chains, at mga krisis na maaaring maranansan kabilang na ang mga sakit sa mga hayop at mga tao.

Bago ito, una nang sinabi ni Balisacan na magtutuluy-tuloy ang mga hakbang ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng inflation na matatandaang sumipa sa 14-year-record-high na 8% nitong Nobyembre.

Ayon kay Balisacan, palalawigin pa ang mga ‘ayuda programs’ ng pamahalaan kasama na ang targeted cash transfer program ng DSWD, KADIWA ng Pasko caravans, at iba pa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *