Philippine Navy nilinaw na decommissioned vessel ang nakitang mga barko na nakalubog sa tubig baha

Nilinaw ng Philippine Navy na mga barko nakalubog sa baha na nakita sa isang video clip na inilabas ng Office of the Press Secretary ay mga decommissioned vessel.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Navy na ang tatlong barko, na BRP Rajah Humabon, BRP Sultan Kudarat at BRP Cebu, ay na-decommission noong 2018 at 2019.

Ang mga sasakyang ito ay kasalukuyang nasa Graveyard Dock ng Navy sa Cavite.

Paglilinaw pa ng Philippine Navy, ang nasabing mga sasakyang pandagat ay sumasailalim din sa dispossal at posibleng ibenta bilang scrap.

Una nang umani ng tanong sa publiko ang nakitang mga barko na nakita sa 30 segundong video ng aerial inspection sa mga lugar sa Calabarzon na apektado ng Tropical Storm Paeng.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *