Philippine Navy, walang na-monitor na debris na bumagsak sa territorial waters ng bansa mula sa rocket launch ng China

Walang na-monitor ang Philippine Navy na mga debris na bumagsak sa territorial waters ng bansa mula sa rocket launch ng China.

Maaalala na unang inanunsyo ng China ang kanilang rocket launch mula June 28 hanggang June 30.

Kasunod nito, nagbigay agad ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga kinauukulan dahil sa inaasahang babagsak na debris sa loob ng tinukoy na drop zone.

Tinatayang 75 nautical miles mula sa Burgos, Ilocos Norte at 126 nautical miles mula sa Santa Ana, Cagayan ang lugar kung saan inaasahang babagsak ang mga debris.

Ngunit ayon kay Navy Public Affairs Office Chief, Commander John Pierce Alcos, batay na rin sa mga natanggap nilang mga reports, ay walang namataang debris mula sa rocket launch.

Sinabi ni Alcos na masyado nang malayo ang 75 nautical miles mula sa pinakamalapit na coastline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *