Nanawagan ang Philippine Redcross Albay – Legazpi Chapter sa mga mamamayan na makiisa sa isinasagawang mobile blood donation sa iba’t ibang mga bayan sa nasabing lalawigan.
Matatandaan nitong nakaraang ilang araw lamang nang ipinaabot ng PRC Albay – Legazpi Chapter na maaari nang makahingi ng dugo sa kanilang opisina nang walang anumang kondisyon.
Subalit, ipinaalam din sa kasalukuyan na nagkakaroon pa rin sila ng mobile blood donation para rin sa pagpapanatili at masiguro ang bilang ng reserbang bag ng dugo para sa mga talagang nangangailangan nito.
Ayon sa PRC Albay Medtech na si Nadia Cairo, patuloy na nadadagdagan ang bilang ng blood bags sa PRC Albay kumpara noong nakaraang buwan ng Enero kung kailan nagdeklara na ng critically low status ang PRC Albay dahil sa kakulangan sa lahat ng uri ng dugo.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang mobile blood donation drive para sa patuloy na pagpaparami ng suplay ng dugo at mas dumami pa ang matulungang nangangailangan.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…