Philippine volleyball team magkakaroon ng revamp matapos mangulelat sa SEA Games

Kinumpirma ng Philippine National Volleyball Federation na magkakaroon ito ng major revamp sa national team matapos ang malamyang performance sa 31st South East Asian Games sa Vietnam.

Ito ay sa kabila ng malaking pondo na inilaan sa mga ito.

Ayon kay PNVF president Ramon “Tats” Suzara ang problema ay wala sa coaches kundi sa mga players ng Philippine team.

Hindi naman idinetalye ni Suzara kung anong balasahan ang gagawin sa volleyball national squad.

Magugunitang nag-uwi ng apat na bronze medal ang beach volleyball team subalit kulelat naman ang koponan sa mas sikat na indoor version nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.