Nais ngayong buhayin ng pamahalaan ang Philippine Sugar Corporation para mabigyan ng mga kinakailangang tulong ang mga magsasaka habang nagsusumikap ang bansa na mapalakas ang industriya nito.

Ilang hakbang at usapin sa pagpapalakas ng sugar production ang natalakay sa consultative meeting sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sugar industry stakeholders ngayong araw.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na ang pulong ay nakatuon sa mga concerns at mga hakbang na magpapalakas sa produksyon ng asukal sa bansa, kabilang rito ang pagsusuri sa tamang panahon ng anihan, distribusyon ng aangkatin na asukal para mas mapababa ang presyo nito sa merkado, at pagsusuri sa mga lupang sakahan na maaring ideklara na sugar land.
Ang PhilSuCor ay binuo sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1890 noong 1983 upang pondohan ang rehabilitasyon o expansion ng sugar mills, refineries at iba pang may kinalaman sa industriya ng asukal sa bansa.//CA