Naglagay ng tsunami siren ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOCS sa ilang parte ng dagat ng Barangay Baretto sa Olongapo.
Ito ay para magbigay babala sa mga naninirahan malapit sa coastal areas sakaling may mga pagtaas ng tubig.
Nitong Huwebes ay sinimulan ikabit ang mga sirena sa driftwood sa pangunguna ng mga tauhan ng PHILVOCS.
Samantala, bukod sa barangay baretto ay may ilang siren na din na inilagay sa parte ng Zambales.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Noliboy Cocjin
