PHIVOLCS, inirekomenda ang assessment sa mga hazard prone areas sa Camarines Sur matapos ang mga lindol

NAGA CITY- Inirekomenda ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)-Bicol ang assessment sa mga hazard prone areas sa Camarines Sur matapos ang mga lindol.

Ayon kay Dr. Paul Alanis ng naturang ahensya na hindi dapat na ipagwalang bahala ang 7.8 magnitude lindol sa Turkey at Syria na ikinasawi na ng mahigit 15,000 katao.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Alanis dapat aniyang matinggan ang mga landslide prone areas. Mababatid na sa Sagñay, gumuho ang mga bato at lupa na Sitio Garang , Patitinan ayon sa MDRRM epekto iyon ng 5.1 magnitude na lindol sa Camarines Norte.

Nitong nagdaang araw ramdam din ang Magnitude  2.3 na lindol sa Del Gallego, Camarines Sur.

Inirekomenda rin ang assessment sa mga high rise buildings at mga paaralan.

Panawagan din sa publiko, itatak sa isip ang mga itinuturo sa Earthquake drill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *