Phivolcs nag-abiso sa naobserbahang pagtaas sa seismic activity ng Bulkang Bulusan

SORSOGON CITY–Nakitaan ng pagtaas sa seismic activity ang Bulkang Bulusan simula nitong Lunes.
Bunsod nito ay naglabas ng abiso ang Phivolcs hinggil sa posibilidad ng muling pagbuga ng abo ng bulkan sa mga susunod na oras o araw.
Ito ay matapos umabot sa 65 ang mga volcanic earthquakes hanggang Lunes ng gabi mula sa anim na naitala noong Linggo ng umaga at isa nitong Lunes ng umaga.
Sinundan ito ng 80 pagyanig na naiulat Martes ng umaga at 48 naman ngayong Miyerkules ng umaga.
Samantala, nakitaan naman ng pagbaba ang pagsingaw nito kung saan nasukat ang sulfur dioixde emission sa 1,081 tons per day nitong Linggo, 660 tons per day nitong Lunes at 348 tons per day kahapon.
Base sa Ground Deformation Survey, nananatiling maga ang paligid ng bulkan.
Sa ngayon ay nananatili ito sa Alert Level 1 status na nangangahulugan na mayroong abnormalidad sa aktibidad ng bulkan.
Paalala ng Phivolcs, bawal ang pagpasok sa 4km Permanent Danger Zone (PDZ) at ibayong pag-iingat naman sa 2 km extended danger zone.###

Leave a Reply

Your email address will not be published.