PHO ALBAY TARGET NA MAABOT ANG HEIRD IMMUNITY SA PAGBABAKUNA BAGO MAGTAPOS ANG CHRISTMAS SEASON

LEGAZPI CITY – Ninanais ngayon ng Provincial Health Office at Provincial Government ng Albay na bago magtapos ang Christmas Season ay maabot ng mga ito ang Heird Immunity sa pagbabakuna sa lalawigan.

 Ito ang Inihayag ni Annie Rose Clarino, Nurse 4 ng PHO Albay sa Brigada News FM Legazpi. Ayon Kay Clarino, makakamit lamang ng Pamahalaang Panlalawigan ang heird immunity kung makikipagtulungan ang mga Albayano sa pagbabakuna.

 Aniya, kinakailangan lamang nito ay maabot ang 70% population sa Albay kung saan nasa mahigit kumulang P1.3M ang kabuuhang population sa nabanggit na lalawigan . Nasa 29% pa lamang ang fully vaccinated sa Albay kung kayat marami rami pa ang dapat mabakunahan.

 Dahil dito magkakaaroon ng malawakang Bayanihan Bakunahan ang Provincial Government ng Albay at PHO na may kinalaman sa National Vaccination Day, kung saan unang magsasagawa ng pagbabakuna sa darating Nov 29 sa Barangay Sinungtan Covered Court bayan ng Guinobatan, Albay. November 30, 2021 sa Albay Astrodome, Legazpi City at sa December 1, 2021 gagawin sa vaccination sa BUPC, Polangui, Albay.

 Hinikayat rin ni Albay Governor Al Francis Bichara ang mga Albayano na may edad 12 – anyos pataas ay kinakailangan ng mabigyan ng bakuna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *