PHO all set na para sa gagawing Health Summit mamayang hapon

CAMARINES NORTE- All set na ang Provincial Health Office para sa gaganaping Health Summit mamayang hapon dito sa Daet, Camarines Norte.

Dadaluhan ito ng ng mga Alkalde kasama ng kanilang Municipal Health Officer, Municipal Budget Officer, Municipal Planning Officer at Chairman ng Committee on Health sa  mga Sangguniang Bayan.

Magbibigay ng lecture ang mga taga Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa dalawang mahalagang paksa.

Si Philhealth Regional Vice President Henry Almanon ang magpapaliwanag tungkol sa Health Care Provider Network at si Senior Vice President Renato Limsiaco Jr naman para sa Health Financing.

Magbibigay rin ng mensahe si Governor Ricarte Dong Padilla, Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco at ilan pang health officials sa lalawigan.

Ayon sa PHO isa sa mga priority program ng Provincial Government ay ang delivery ng quality health care service sa mga constituent lalo na sa mga financially challenged.

Upang mangyari  ito ay kinakailangang epektibo at mahusay ang delivery ng health services alinsunod sa mandato ng Universal Health Care Act of 2019.

Kung maipapatupad na umano ng maayos ang Universal Health Care sa lalong madaling panahon ay siguradong magi- improve ang quality of life ng mga taga Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *