PHO hinimok ang mga eligible nang magpa booster shot vs COVID- 19 na magpabakuna na para tuloy ang “life” sa labas

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Provincial Health Office (PHO) ang mga hindi pa nagpapa- booster shot kontra COVID- 19 na magpabakuna sa nagpapatuloy na Barangayang Suyod Bakuna (BSB).

Sa isang pahayag na ipinalabas ni Provincial Health Officer II Dr. Arnel Francisco nitong Huwebes, November 17, binigyang diin nito na importanteng maprotektahan ang komunidad at sarili para tuloy ang “life” sa labas.

Ayon kay Francisco sa ikatlong taon ng pandemya ay napakarami nang pagbabago na ating pinagdaanan at gawaing nakasanayan.

Ang mga lumang gawi aniya sa pang araw- araw ay napalitan ng  New Normal at ang dating usong laro ay lipas na, pero ang banta ng COVID- 19 ay nananatili.

Kaya naman para maprotektahan ang komunidad at tuloy ang “life” sa labas ay importante umanong magpa- booster at makiisa sa Pinaslakas Barangayan Suyod Bakuna.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa kaniya- kaniyang mga LGU at Barangay para sa pinakamalapit na vaccination site at pagsuyod sa mga barangay at oras ng bakuna.

Batay sa tala ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Huwebes, November 17, nasa 10. 8 percent pa lang ang nakakatanggap ng unang booster  sa lalawigan at 1. 41 percent naman ang mayroon nang second booster.

Sa pinakahuling datos naman ng PHO nasa 18 pa ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *