PHO may paalala sa publiko sa pagbili ng mga pagkain malapit sa mga sementeryo

CAMARINES NORTE- Nagpaalala sa publiko ang Provincial Health Office (PHO) sa pagbili ng mga pagkain na ibinibenta malapit sa mga sementeryo ngayong Undas.

Ito ay upang makaiwas sa mga sakit na posibleng makuha dahil sa pagkain ng mga street foods o anumang kakanin na hindi malinis ang pagkakahanda.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na mag ingat sa pagbili ng mga pagkain at inumin malapit sa mga sementeryo at siguruhin na malinis at maayos ang pagkakahanda nito.

Kabilang sa mga sakit na pwedeng makuha kapag hindi maayos ang pagkakahanda ng pagkain ay pagtatae, hepatitis at iba pa.

Payo ni Francisco na kung hindi sigurado ay mas mainam na magbaon na lang ng sariling pagkain.

Iwasan din umano ang pagdadala ng mga pagkaing madaling mapanis.

Nagpaalala rin si Francisco sa mga pupunta sa sementaryo ngayong Undas na magsuot pa rin ng face mask at sundin ang mga ilalatag na health protocols.

Ang mga hindi naman bakunado o kulang pa ang bakuna kontra COVID- 19 ay mas mainam umano na huwag nang pumunta sa mga araw na siksikan ang mga tao sa sementeryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *