PHO nanawagan sa mga may bingot para sa dalawang araw na libreng operasyon

CAMARINES NORTE- Nananawagan ngayon ang Provincial Health Office sa mga may bingot na mag- avail sa dalawang araw na libreng operasyon na isasagawa sa October 24- 25 na tinawag ding Operation Smile 2022

Ang cleft lip and cleft palate operation ay sa pagtutulungan ng Provincial Government ng Camarines Norte, Provincial Health Office at Oral Maxillofacial Surgeons.

Gagawin ang operasyon sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Sa mga nagnanais na i- avail ang serbisyo ay maaaring makipag ugnayan kay Dra. Grace De Viana, Dentist II ng PHO na siyang Coordinator at maaaring tumawag o mag text sa numerong 09204842988.

Bago ang aktuwal na operasyon ay mayroong mga gagawing paghahanda tulad ng X- Ray na gagawin sa October 19 sa Outpatient Department/ Dental ng naturang ospital.

Sa October 20-21 ang laboratory at Pedia Clearance,admission sa October 23- 24 kung kailan din gagawin ang operasyon.

Madi- discharge ang pasyente sa October 26- 27 at ang suture removal ay sa November 2-3.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *