PHO nanawagan sa publiko na sundin pa rin ang basic health protocols para sa ligtas na paggunita ng undas

CAMARINES NORTE- Nanawagan ang Provincial Health Office sa publiko na sundin pa rin ang basic health protocols para sa ligtas na pagunita ng undas.

Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagdagsa ng maraming tao sa mga sementeryo at tila kawalan na ng mga restrictions.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, ipinaalala ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na nasa ilalim pa rin ng alert level 2 ang Camarines Norte  maliban sa ilang bayan at marami pa ang mga walang bakuna o kaya ay kulang pa nito.

Ang mga bayan na nasa ilalim na ngayon ng Alert Level 1 ay ang San Vicente, Daet, Capalonga, Basud at Talisay.

Ayon kay Francisco, dahil sa maluwag na restriction ay inaasahan na umano ng PHO na dadagsain na naman ng maraming tao ang mga sementeryo tulad noong bago tumama ang pandemya.

Kaya naman paalala nito na gawin ang basic health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at kung maaari ay ang social distancing at iba pang mga kinakailangang pag- iingat upang makaiwas sa Covid- 19 lalo na ngayong mayroong natuksalang bagong variant sa bansa.

Iminungkahi rin nito lalo na sa mga wala pang bakuna o kulang pa ng dose na hwaug makisabay sa dagsaan ng mga tao sa mismong araw ng undas.

Kung maaari  umano ay gawin ng mas maaga ang pagdalaw sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay para makaiwas sa siksikan.

“Puwede naman tayong magbisita sa ating sementaryo, umpishan natin sa 28, 29, 30 huwag tayong makipagsabayan dun sa petsa uno petsa dos dun po talaga karamihan ng ating mga kababayan ay pupumunta sa sementaryo,” ani Francisco.

“At yan ay maiiwasan natin yung pagko- congest sa mga sementeryo para hindi rin tayo mahawaan if ever na magkaroon tayo ng kasamahan na meron ano sapagkat pina -practice nga natin yung social distancing dito sa ating probinsiya ano, ito lang po ang hinihingi siguro ng Provincial Health Office at ng Provincial Government.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *