PHO pinag iingat ang publiko hinggil sa mga sakit ngayong tag- init

CAMARINES NORTE- Pinag iingat ng Provincial Health Office ang publiko hinggil sa mga sakit ngayong tag- init.

Kasunod yan ng deklarasyon ng Pagasa na opisyal nang pumasok ang panahon ng tag init kung saan kaakibat din ito ang iba’t- ibang uri sakit.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco kadasalang nauuso ang sore eyes kapag ganitong panahon.

Kalimitan ding sakit ngayon ay ang pagtatae na dulot ng napanis na pagkain.

Mabilis  kasing napapanis ang pagkain lalo na kapag hindi maayos ang pagkakahanda nito dahil na rin sa moist na nagiging dahilan naman para dapuan ito ng bacteria.

Laganap din kapag tag- init ang mga sakit sa balat dahil sa allergy at delikado rin ang may mga hypertension.

Nag- iiba raw kasi ang reaksyon ng katawan lalo na kung kulang sa inininom na tubig.

Kapag dehydrated umano ang isang tao nahihirapang mag circulate ang dugo.

Kaya naman pinapayuhan ang lahat na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang heat stroke.

Ang mga senyales nito ay panghihina, pagkauhaw, pagkahilo, sakit ng ulo at pagkabalisa.

Para hindi ma- heat stroke ay dapat iwasang magbabad sa init ng araw, magsuot ng manipis o preskong damit, gumamit ng payong o sombrero, umiwas sa alak o mainit na inumin, at iwasan ang mabibigat na trabaho sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *