PHO pursigidong maging implementing site ng Universal Health Care ang Camarines Norte ngayong taon

CAMARINES NORTE- Pursigido ang Provincial Health Office na maging implementing site na ng Universal Health Care ang Camarines Norte ngayong taon sa kabila ng marami pang pagkukulang ang dapat punan ng mga Local Government Unit.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco inihayag nito na may mga requirements pang dapat ayusin kaya importante umano ang kooperasyon ng mga Alkalde.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay hiningi ni Francisco ang commitment ng mga Alkalde para maging implementing site na ng UHC ang lalawigan ngayong taon na dapat sana ay nasimulan na noong 2022.

Aminado naman si Francisco na marami pa ring mga LGU sa bansa ang hindi pa nagpapatupad ng UHC tulad sa Camarines Norte na nasa preparatory stage pa lang ngayong taon.

Aniya sa Marso o sa Abril ay pupunta sa lalawigan ang Regional Director ng Department of Health para muling makipag usap sa mga Local Chief Executive (LCEs) ukol dito.

“Yung iba naman kasi ang kanilang tanong naman kasi ang kanilang NTA, yung National Tax Allocation nila ay bumaba para bang yun ang rason nila bakit hindi pa sila dumadagdag ng mga staffing o yung mga HRH gap nila ano, and other like for example yung pasilidad nila ano,” ani Francisco.

Naniniwala ang opisyal na kung gugustuhin talaga ay wala hindi naman imposible.

Inihalimbawa nito ang Vinzons na nagsisimula na umanong punan ang kanilang human resources for health (HRH).

“Kakayanin po nila yan kasi Vinzons nga ginagawan ng paraan ibig sabihin dumagdag na sila eh, ibig sabihin kung ang commitment, kung ang priority ng bawat LCE ng munisipyo ay patungo sa impelemntation ng UHC para naman matugunan natin ang mga gaps natin at mga kakulangan natin dito sa healthcare system ng ating probinsiya eh tingin ko po naman ano sila nakapagmuni- muni na talaga sila na talagang yung sinasabing mga gaps na yun ay talagang mapupunuan nila.”

Pagbibigay diin ng opisyal na ang layunin talaga ng UHC ay palakasin ang parimary care o ang mga Rural Health Unit.“Sabi ko nga sana yung mga gaps na yun ay mapunuan nila para naman sinasabi nating unti-unti kapag nandiyan na yung pondo ng special health fund ng ano, pag tayo naka- implement na dito yan naman ay special health fund po ang popondo doon sa mga gaps na yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *