PHO tiniyak ang kahandaan sakaling tumaas muli ang kaso ng COVID- 19 sa pagdiriwang ng holiday season

CAMARINES NORTE- Tiniyak ngayon ng Provincial Health Office ang kanilang kahandaan sakaling tumaas muli ang mga kaso ng COVID- 19 dahil sa pagdiriwang ng holiday season.

Ito ang inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Francisco mayroon namang mga kagamitan partikular sa Camarines Norte Provincial Hospital at nakahanda rin ang mga COVID ward kung kakailanganin.

Mayroon din umanong sapat na suplay ng oxygen para sa ma- aadmit na pasyente kung sakali.

Gayunman sinabi ng opisyal na huwag naman daw sanang sobrang dami ng naoospital dahil sa COVID- 19 gaya ng nangyari sa nakalipas na dalawang taon na napuno ang COVID ward at may mga pagkakataon din na nag lock down ang ospital sa dami ng positive cases.

Nitong mga nagdaang araw ay kapansin- pansin ang pagtaas na namang muli ng mga naitatalang kaso.

Kaya paalala ng PHO na habang ini- enjoy ang holiday season ay huwag naman daw sanang kalimutan ang basic health protocols kahit man lang sa pagsusuot ng face mask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *