PHO Zambales, nanindigan na ang mga malakihang pagtitipon ang dahilan ng covid-19 surge

ZAMBALES-Nanindigan ang Zambales Provincial Health Office na ang mass gathering ang pinakamalalang dahilan kung bakit mabilis na kumakalat ang corona virus disease.

Ito ay kahit pa base sa pag-aaral at inanunsyo ng World Health Organization na ang covid19 ay isang uri ng airborne disease.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, tulad ng nangyari sa India kung saan mabilis ang naging pagkalat ng sakit na pumatay na libu-libong mamamayan ay ganito rin ang posibleng mangyari sa kahit anong bansa kung papayagan ang maramihang pagtitipon.

Paniwala ni Bueno, ang hindi pagsunod sa minimum health and safety protocol pa rin ang dahilan ng pagdami ng kaso at hindi ang katangian ng covid19 ang rason kung bakit dumarami ang nahahawaan at namamatay.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE "Linis Tiyan, Sexy Tiyan" Get fit for life! EXERCISE MATTERS! Linis Tiyan, Sexy Tiyan!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *