LEGAZPI CITY – Nagkakahalagang sampung bilyumpiso umano ang ilalaan para sa paglalagay ng Solar-powered water supply sa buong bansa para sa paghahanda sa paparating na El Niño.
Ito umano ang unang pagkakataon na ang kongreso ay naglaan ng pondo para sa nasabing water supply.
Ayon sa AKB Party-list, ito ay gumagamit ng solar energy upang magbigay ng mura at sustainable na supply ng tubig sa mga komunidad partikular sa mga sa kabundukan na walang access sa mga serbisyo ng mga water concessionaires.
Ang built-in na filter system nito ay nagbibigay ng mas malinis na tubig kumpara sa mga tradisyunal na sistema at ang tubig na mula ng SPWSS ay ligtas para inumin.
Tinitiyak din na maliit lamang ang halagang babayaran ng mga komunidad para sa maintenance ng nasabing water system, kung saan kailangang magbayad ng PHP20 bawat pamilya kada buwan.
Samantala, ang paglalaan ng pondo para rito ay alinsunod sa General Appropriations Act (GAA) of 2023 sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).