PHP13.5M na ng TUPAD, natanggap na ng mahigit 3,000 mga benepisyaryo sa LEGAZPI at Guinobatan, Albay

Umaabot sa PHP13.5M na halaga ng emergency employment assistance ng programang TUPAD ng Department of Labor and Employement (DOLE) Bicol ang natanggap ng 3,698 informal workers mula sa lunsod ng Legazpi at bayan ng Guinobatan sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay DOLE Bicol regional spokesperson Johanna Gasga, nakatutok ang programa sa mga proyektong pangkomunidad tulad ng pag-aayos, paglilinis, o pagpapanatili ng mga pampublikong pasilidad.

Karamihan sa mga benepisyaryo ay mga small vendor, magsasaka, drayber, mangingisda, laborer, at kababaihan na hindi sapat ang kinikita sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan

Ang mga benepisyaryo ay dumaan sa orientation at nakatanggap din ng insurance at personal protective equipment (PPEs) bago sumabak sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *