Ginulat ni Pia Wurtzbach ang kanyang mga social media followers matapos ianunsyong kasal na siya sa travel entrepreneur na si Jeremy Jauncey noong March 24.
Sa Instagram, nag-upload ang dating Miss Universe ng video na nagpakita ng mga eksena mula sa beach wedding nila ni Jeremy sa North Island sa Seychelles.

Hindi malinaw kung nag-imbita sila ng mga bisita sa kanilang intimate celebration dahil walang ibang tao na nakita sa short wedding video.
Unang kinumpirma ni Wurtzbach ang kanyang relasyon kay Jauncey, ang lalaking nasa likod ng sikat na travel page na Beautiful Destinations, noong June 2020.
Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong May 2022, at ipinagdiwang ang kanilang ikatlong anibersaryo noong Enero.//CA