Picture ni Bart Simpson – nakalusot sa SIM Card Registration

Matapos makalusot ng picture ng unggoy – lumusot din ngayon ang retrato ni Bart Simpsion sa pagpapatala ng SIM Card.

Dahil dito, iminungkahi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission sa mga telecommunication companies ang pagkakaroon ng mahigpit na verificafion para rito.

Ayon kay OPAOCC Undersecretary Gilbert Cruz , ito ay dahil sa lumala pa ang problema ng bansa sa scamming at isa ang umano’y kapalpakan ng telcos dahil sa kulang na security features sa pagpaparehistro ng sim.

Kabilang sa sinabi ni Cruz na nakapagparehistro ang cartoon character na si Bart Simson.

Tinanggap kasi ng telco ang kanilang picture.

Nagpaalala naman si Cruz sa publiko na maging maingat at sundin ang KYC o Know Your Client rule para hindi mabiktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *