Pili nuts ng Bicol, patok sa Europa!

NAGA CITY- “Masiram, manatok, malutong!” at iba pa , ganito isalarawan ng mga Bicolano ang Pili nuts depende sa pagkakagawa nito.

Kilala ang Bicol Region sa Pili nuts, sa Camarines Sur kaliwa’t kanan an nagtitinda at gumagawa nito.

Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng dried pili nuts ng rehiyon matapos na muling mabigyan ng access sa European Union (EU) markets.

Maaari nang makapasok ang naturang produkto mula Region 5 sa 27 member states ng EU kasunod sa inisyung European Commission Implementing Regulation (EUIR) 2023/267.

Pasado rin ang produkto sa food safety and labelling requirements ng EU. Ayon kay Fatima Salting, dumarayo pa sa Naga ang ibang mag retailers ng Pili sa ibang rehiyon.

Ayon sa Department of Agriculture “It is a breakthrough for Philippine Pili Nuts!” Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Jay Ablay , Provincial Director ng Department of Trade and Industry (DTI) todo ang suporta nila sa pang mga paraan upang mas makilala ang Pili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *