Pilipinas at China, nagkasundo na magkaroon ng ‘aktibong konstultasyon’ sa WPS

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagkasundo sina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jinping na suportahan ang maagang konklusyon ng Code of Conduct sa South China Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ito ay para sa maayos na pagplantsa ng gusot sa mga claimants sa pinagaagawang teritoryo.

Ayon sa DFA, nananatili ang foreign policy ng administrasyong Marcos na labanan ang mga hakbang para ma-trap sa isang ‘cold war mindset’.

Sa hiwalay naman na pahayag mula sa Chinese Embassy, kinumpirma nito ang kasunduan ng Pilipinas at China na magkaroon ng mapayapang konsultasyon hinggil sa dispute sa South China Sea.

Inaasahan umanong magkakaroon ng mga hakbang para ipagpatuloy ang mga usapin sa posibleng joint oil and gas exploration sa pinagaagawang teritoryo.

Umasa rin umano ang dalawang mga estado na magkaroon ng mas malalim na kooperasyon sa iba’t ibang mga industriya at sektor kagaya na lamang sa imprastraktura, enerhiya, at agrikultura.

Matatandaaang kahapon nang isagawa ang bilateral meeting sa pagitan nina Marcos at Xi sa sidelines ng APEC Leaders Meeting sa Thailand.
#

RELATED STORIES:

PBBM: Bilateral meeting kay Xi sa APEC sidelines, “very pleasant exchange”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *