Pilipinas bibili ng anti-ship missile system sa India – DND

Aprubado na ng Pilipinas ang pagbili ng anti-ship missile system mula sa bansang India.

Ito ay matapos lagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang $375 million contract award sa BrahMos Aerospace para magsuplay ng onshore anti-ship missile system sa Philippine Navy.

Ang BrahMos ay isang joint venture sa pagitan ng India at Russia na siyang nagdevelop ng cruise missile na tinawag pa ng Indian defense ministry bilang pinakamabilis sa mundo.

Kasama sa deal ang tatlong batteries, training para sa operators at maintainers pati na ang logistics support.

Ayon sa ilang military analyst posibleng ilagay ang anti-ship missile system sa mga lugar na malapit sa West Philippine Sea katulad ng Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.