Pilipinas, hindi inaabandona ang claims nito sa JFR

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi kailanman inabandona ng Pilipinas ang claims nito sa Julian Felipe Reef na nakapaloob sa Kalayaan Group Of Islands.

Ito ang paglilinaw ni Roque matapos nitong umani ng batikos dahil sa pahayag niya na hindi nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.

Ayon kay Roque, ang nasabing teritoryo ay inaangkin ng Pilipinas sa ilalim ng Presidential Decree 1596 na inisyu noong 1978 sa panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Pero ayon kay Roque, ang nasabing reef ay bahagi ng territorial sea na kasalukuyang okupado ng China at Vietnam.

Ipinunto ni Roque na dapat ay maging “delimited” ang Reef sa ilalim ng United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) dahil sa pag-overlap ng maritime zones. Binigyang diin naman ni Roque na bahagi pa rin ng interes ng Pilipinas ang pagsusulong ng claims nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa pamamagitan ng diplomasya o sa pagpapasa ng hurisdiksyon nito sa International Court of Justice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *