Nanindigan si Senador Ronald Bato Dela Rosa na may karapatan ang bansa sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Kaugnay nito, naniniwala si Dela Rosa na hindi na kailangang ipaapruba sa China ang mga dadalhin sa outpost tuwing magkakaroon ng resupply mission.
Dagdag pa niya, dapat ding respetuhin nito ang soberanya at karapatan ng bansa matapos manalo sa naganap na arbitral ruling noong 2016.
Samantala, naging matagumpay naman noong August 22, 2023 ang resupply mission sa BRP Sierra Madre ng mga supply ships ng bansa na in-escortan naman ng Philippine Coast Guard.